Ayon kay CEZA administrator Raul Lambino, matapos ang ikalawang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan na pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay napagpasyahan na ang mga natitirang mga mamahaling sasakyan na ipamigay na lamang ng libre sa mga sundalo at pulis kabilang na rin ang iba’t-ibang LGU at non-government organizations sa lalawigan ng Cagayan.
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nakatakdang ipamigay ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na nakabase sa Port Irene, Sta Ana ng lalawigang ito ang mga naiwan na mga luxury cars at iba pang mga pampasaherong van sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army at Local Government Units ng libre.
Ayon kay CEZA administrator Raul Lambino, matapos ang ikalawang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan na pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay napagpasyahan na ang mga natitirang mga mamahaling sasakyan na ipamigay na lamang ng libre sa mga sundalo at pulis kabilang na rin ang iba’t-ibang LGU at non-government organizations sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng PSN nasa 18 Hummer cars, 66 na mga luxury SUVs at 27 units ng hi-end Alphard (Toyota) ang nakatakdang ipamahagi sa mga pulis at sundalo.
Samantala, nasa 241 mga passenger vans naman ang ipamimigay din ng libre sa mga iba’t-ibang LGUs at non-government organizations sa lalawigan ng Cagayan habang ang 421 natitirang mga sasakyan tulad ng wagons, mini-wagons, sedans at mini SUVs na kinalawang na at hindi mapapakinabangan ay tuluyan itong wawasakin.
Ayon pa kay Lambino, ang mga nawasak na mga sasakyan ay gagawin na isang monumento na simbolo umano ng paglaban ng pamahalaan sa smuggling at corruption.
“We will build a sophisticated three-story restaurant using the wreckage of the high-end cars. It will be known as the Monumento ng Pagbabago,” pahayag ni Lambino.
Featured Image Credit: Pilipino Star Ngayon
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.