Ito ang isa sa mga adhikain ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) para sa ating mga kababayan at karatig-bayan. Patuloy na nakikipagtulungan ang CEZA sa mga locators nito at sa iba pang mga government agencies, tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at mga local government units (LGUs), para bigyan kayo ng oportunidad na makapaghanapbuhay malapit sa inyong pamilya
Noong Setyembre 13, 2024, pinangunahan ni Kal. Katrina Ponce Enrile, ang butihing hepe ng CEZA, ang “Simultaneous Nationwide Distribution of Government Assistance” o ang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” na sinamahan ng job fair, bukod sa iba pang mga aktibidad, sa Tuguegarao City. Nagkaroon din ng job fairs noong Setyembre 02, 2024 sa Sanchez Mira, Cagayan, at noong Setyembre 24, 2024 sa Tuao, Cagayan. Ang mga aktibidad na ito ay nagbigay ng 59 kwalipikadong mga aplikante para sa iba’t-ibang trabaho na binuksan ng mga CEZA locators.
Patuloy na nagkakaroon ng job fairs kasama ang CEZA sa iba’t-ibang lugar sa ating Rehiyon. Para sa karagdagang impormasyon para sa iskedyul ng mga job fairs na ito at iba pang mga impormasyon tungkol dito, maaari kayong tumawag sa 09175674174. #CEZACares #SaCEZASikatAngFutureMo #AlagangKatrina
Link for the video: https://fb.watch/vdBuY-Y4K5/
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.