TINGNAN I Nagsasagawa ng Medical, Dental and Optical Mission ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-27 na anibersaryo ng pagkakatatag.
Libreng medical check-up para sa mga bata at matatanda, pagbubunot ng ngipin, eye check-up, at eye-drops ang mga serbisyong ibinibigay sa mga residente ng Santa Ana, Cagayan. Nakatanggap din ng libreng gamot ang mga nagpapacheck-up na residente at eyeglasses para sa mga nangangailangan nito.
Katuwang ng CEZA ang Dental Detachment and Hospital ng 5th Infantry Division, Philippine Army, Bureau of Fire and Protection Santa Ana, Marine Battalion Landing Team-10, Valley Care Clinic at Rural Health Unit ng Santa Ana.
Ayon kay Leonardo C. Cruz, ang CEZA OIC-Cagayan Offices at Head Technical Assistant to the Administrator/CEO, simula nang naitatag ang CEZA, isa na sa layunin ng ahensiya nila na magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente lalo sa mga host communities nito.
“Napaka-overwhelming ng response
ng mga tao. Ang CEZA naman ay hindi lang mainly economic and tourism development, we all also address the health issues of the residents in our host communities. Hopefully, if pandemic ends, we will increase the expected number of beneficiaries,” ani Cruz.
Dagdag ni CEZA Community Relations Specialist na si Grace Ruiz, taunan itong isinagawa ng CEZA kung saan ngayong taon ay inaasahan na hindi bababa sa 350 residente ng nasabing bayan.
Ang CEZA ay isang government owned and controlled corporation na naitatag sa bisa ng Republic Act 7922, na mas kilala sa tawag na “Cagayan Special Economic Zone Act of 1995″.
Source Link: https://www.facebook.com/100068842045082/posts/255054273465972/?d=n
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.